3
isang ngiti lang ang sinagot ng lalaki..
"anghel ka ba??"tanong ni meg..
"hindi ako sigurado"sagot ng lalaki...basta't ang alam ko, sabay tayong bumaba mula sa lugar ding ito at ngayon,eto ka na...matalagal ka naming hinintay.."
"ninyo??"
tinuro ng tanaw ng lalaki ang grupo ng mga taong nakangiti at nakatingin din kay meg..kumakaway ang mga ito at maya maya pa'y lumapit na sila sa kinatutunguhan nila ng lalaki.
meg kamusta na..ang tagal ka na naming hinihintay aah...anong nangyari sa baba..mukhang marami lang ikikwento samin ah...
tugon ng mga tao at hindi magkanda ugaga si meg sa paghabol sa mga sinasabi nila....
"ah e...pasensya na...baka ibang meg ang tinutukoy nyo...ah e...hindi ko kasi kayo matandaan e..malamang hindi ako ung meg na tinutukoy nyo."-tugon ni meg.
biglang napawi ang ngiti sa mga taong nagkumpulan sa harapan ni meg. ang muka nila'y kakikitaan ng pagtataka...
hindi nya tau nakikilala...hindi kaya may mali sa kanya...bakit??...parang kakaiba un di ba??..
nagpalitan ng nagtatakang komento ang mga tao sa paligid ni meg. mayamaya ang lalaking una nyang nakita sa lugar na iyon ang muling nagsalita.
"ah..siguro naguguluhan ka lang..pumunta ka siguro muna dun sa may reception..baka tinatawag ka narin e"
tinuro ng lalaki ang isang building na parang entrance ng hotel. kusa itong bumukas ng mapatapat si meg sa pinto.
pagkahakbang nya papasok, isang automatic irish scanning device ang sumalubong sa kanya kasabay ang projected monitor na nagpapakita ng progress nito...mayamaya ay kusang umandar ang sahig na kinatatayuan nya. pakiramdam ni meg ay napasok sya sa mundo ng virtual reality..
hanep....hi-tech pala sa langit...teka..langit nga ba to??
umaandar parin ang sahig na kinatatayuan nya na ngaun ay papalapit sa isang pinto..
FP10061985 approaching...FP10061985 approaching....FP10061985 approaching...
hindi maunawaan ni meg ang kahulagan ng numerong sinasabi ng robot na kanina pa nagsasalita magmula ng pumasok sya sa tinatawag nilang reception.
sa wakas ay huminto na rin sa pag andar ang sahig.
"its nice to see you again, meg"-sabi ng lalaking naka amerikana.pakiwari ni meg ay isa itong business tycoon o di kaya ay drug lord.
"please to meet you sir" tugon ni meg na pagkuway napahiya sa sarili..tama kaya yung sinabi ko?
"so, alam mo naman na siguro kung bakit ka nandito...."